^

Pang Movies

Dahil kay Max, Juan tamad biglang sumipag

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tiyak na hindi tatamarin sa paghalakhak ang mga manonood sa paparating na comedy series ng GMA Network, ang Juan Tamad, na pagbibidahan ng magaling na komedyanteng si Sef Cadayona kasama ang kanyang leading lady na si Max Collins.

Simula ngayong Linggo, August 23, sundan ang buhay ni Juan D. Magbangon A.K.A. Juan Tamad, ang binatang saksakan ng tamad na gagawin ang lahat para mapansin ng kanyang maganda at masipag na kapitbahay na si Marie Guiguinto (Max Collins).

Magkaibang-magkaiba sina Juan at Marie: kung gaano kasigasig at kasipag ang dalaga lalo na pagdating sa kanyang pag-aaral at balang araw ay career, siya namang ikinatamad ni Juan na ang paboritong gawin ay maghapong humiga sa ilalim ng puno ng bayabas.

Ngunit nang malaman niyang attracted si Marie sa mga lalaking maabilidad at may ambisyon sa buhay, maghahanap siya ng trabahong maglalapit sa kanya sa dalaga—kahit ano pa ito, susunggaban ni Juan!

Magbunga kaya ang milagrong pagsusumikap ni Juan Tamad?

Lalong magpapasaya sa nasabing programang hatid ng GMA News and Public Affairs ang iba pang cast members nito kabilang sina Roi Vinzon, Marissa Sanchez, Melanie Marquez at Gene Padilla—ang mga magulang nina Juan at Marie na lagi namang nagbabangayan dahil sa puno ng bayabas na nakatayo sa pagitan ng kanilang mga bakuran!

Abangan ang exciting at nakatatawang kwento ni Juan Tamad  sa pilot episode nitong isinulat ng Carlos Palanca Hall of Famer na si Rody Vera at ng Rak of Aegis playwright na si Liza Magtoto, sa ilalim ng direksyon ng beteranong komedyanteng si Soxy Topacio, ngayong Linggo na, 4:45PM, sa GMA-7.

vuukle comment

ANG

CARLOS PALANCA HALL OF FAMER

GENE PADILLA

JUAN

JUAN D

JUAN TAMAD

LINGGO

LIZA MAGTOTO

MAGBANGON A

MARIE GUIGUINTO

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with