^

Pang Movies

Madir ni Elmo Magalona na si Pia nakaapekto sa career ng anak?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ano kaya ang problema at bakit biglang lumamlam ang career ni Elmo Magalona ga­yung nag-click naman ang tambalan nila ni Janine Gutierrez? Halos kasabayan si Elmo nina Daniel Padilla at Alden Richards, pero tipong malayo ang agwat nila, hindi naman kaya maunahan pa siya ni James Reid?

Totoo kayang, kaya bumagal ang takbo ng pagsikat ng binata ay dahil mahirap kausap ang mommy Pia Magalona niya? Maging si Kuya German “Germs” Moreno nga ay tinatanong pa raw si Elmo sa mama niya bago kausapin. Dapat maging makamasa ang nanay ni Elmo, dahil masa ang nagbibigay suwerte at pera sa anak niya.

Rita ginulat ni Paul Jake sa Cebu

Napamangha si Rita Avila noong mag-book signing ang actress sa Cebu City. Isa sa mga bumili ng book niyang Ang Hindi Nakikitang Pakpak na naging mabenta sa Ayala Mall ay si Paul Jake Castillo. Taga-Cebu pala si Paul Jake at napadaan sa mall. Nasa cast ng Two Wives si Paul Jake na directed by FM Reyes, na husband ni Rita.

Naki-join din si Rita sa shower party ng anak-anakan niyang si Marian Rivera sa Nail Spa. Nakipag-party din sina AiAi dela Alas, Katrina Halili, Angelica dela Cruz, Andrea Torres, Diana Zubiri, at Roxane Barcelo.

Mag-BFF (best friends forever) sina Marian at Rita kaya hindi siya nakalimutang imbitahan ng ikakasal na Primetime Queen ng GMA.

Pinisil-pisil, Arabo pinanggigilan ang puwet ng young actor sa mall

Sino ba itong not so young actor na dinakma at pinisil-pisil daw ng isang Arabo ang puwet noong makasabay sa mall? Laking gulat daw at medyo napahiya ang young actor sa ginawa ng Arabo. Tinanong ng aktor ang Arabo kung ano’ng problema nito at sabi lang daw ay nanggigil siya. Sa nangyaring ito, hindi na makakapunta ng Saudi ang actor dahil palaging magiging biktima ng mga Arabong mahilig sa pogi! Konting ingat kapag may Arabo sa likod lalo’t umaakyat sa escalator. Actually hindi naman lahat, ‘yung mga pogi lang.

Direk Wenn nakita na ang itinatago ni Luis

Ano raw ba ang ibig palabasin sa istorya ng Moron 5.2 The Transformation, at bakit puro tungkol sa bukol at puwet ng mga actor na gumaganap ang ikinukwento ni Direk Wenn Deramas? Maging puwet ni Luis Manzano ay naipabalitang nakita na ni Direk. Baka makaapekto ito sa pagtakbo ni Luis sa darating na election?

Masyado pa raw bata: Mga nanay na fans ni Ryzza Mae hindi type na tinutukso na, sa lalaki ang bagets

Sabi ng mga nanay, hindi nila type na tinutukso si Ryzza Mae Dizon sa mga lalaki dahil bata pa ito. Kahit ba sabihing joke, ay nagkakama­lisya ito sa isipan ng mga bata. Huwag na siyang makipag-compete kay Bimby Aquino, kung sakali’t may tipo na itong girl na gusto niya. Marami namang, puwedeng pag-usapan kay Ryzza Mae. O baka naman, nauubusan na?

Monsour pinaasa sa schedule ng shooting

Nakaka-turn off naman ‘yung naranasan ng action star at Makati councilor na si Monsour de Rosario noong mag-shooting ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo starring Robin Padilla, Gumanap na isa sa mga pari sa Gomburza si Monsour. Nakuha naman si Mon, kaso ‘yung schedule sa next day shooting niya, nakunan na pala without notifying him! Dapat sinabihan man lang ang actor para hindi umasa.

Dapat nagse-seminar muna ‘yung mga nag-iiskedyul sa mga shooting ng artistang kinukuha nila. Nakakaperwisyo rin kasi ang ganitong mga problema.

                                     

 

vuukle comment

ARABO

DAPAT

ELMO

MONSOUR

PAUL JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with