^

Pang Movies

Matteo wala sa hitsura na may ‘ginagamit’!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang napaka-unfair naman iyong accusations nila kay Matteo Guidicelli na ginagamit umano ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo para sa promo ng kanyang pelikulang Moron 5.2. In fairness mukha namang napaka-disenteng tao ni Matteo para gumawa ng gimik, at saka tinatanong kasi siya eh, kailangan niyang sumagot. Wala namang kuwenta ang press conference tapos ang sasabihin ng mga artista ay puro no comment. Ano ang makukuha ng press sa mga artistang ganoon.

In fairness, maganda naman ang sinasabi ni Matteo tungkol kay Sarah. Si Matteo ang tinutukso dahil wala raw iyong sex life, ang unang depensa niya, sportsman kasi siya eh. Kaya iniiwasan din niya iyon dahil sa paniniwala nga na nakakapanghina iyon ng katawan. Nang tumbukin na kaya siguro ganoon ay dahil hindi puwede ang kanyang girlfriend na si Sarah, sinabi niyang iginagalang niya iyon, at hindi niya inisip na gawan iyon ng kahit na anong labag sa moralidad.

Ang sinasabi ni Matteo, si Sarah ay isang babaeng disente at hindi kagaya ng mga naririnig na­ting ginagawa ng ibang basta naging syota ay natatangay na. Hindi ba napakaganda naman noon para kay Sarah? Kung ganoon ano pa kaya ang ipinagpuputok ng butsi ng iba at sinasabing ginagamit pa ni Matteo ang kanyang girlfriend para sa kanyang pelikula?

Hindi rin naman love story ang Moron 5.2. Comedy iyon eh. Sa title pa lang Moron. Bakit kailangang gamitin ang isang real life love story para mai-promote iyon?

On it’s own merit, kikita naman ang pelikula dahil iyong part 1 noon ay naging isang malaking hit, at kung totoo ang sinasabi ng director na si Wenn Deramas na mas maganda itong ginawa niyang part 2, bakit hindi iyan kikita?

Tigilan na ninyo si Matteo.

Raymart hindi na nakakatiis sa mga anak

May nagpasa sa amin ng screenshot ng isang post ng actor na si Raymart Santiago sa kanyang social networking account, na patungkol sa kanyang mga anak na sina Sabina at Santino. Sa nasabing post, sinabi ni Raymart na mahal niya ang kanyang mga anak, at nami-miss na niya ang mga iyon. Matagal na rin naman silang hindi nagkakasama simula nga nang hiwalayan na nang tuluyan ni Raymart ang kanyang asawang si Claudine Barretto.

Dati nagkasundo na sana sila eh, lalo na sa pangangalaga sa mga bata. Pero biglang nagbago na naman ang ihip ng hangin at hindi na naman makita ni Raymart ang kanyang mga anak.

Masakit iyon para sa isang ama. Marami na kaming nakitang ganyan eh, ni hindi nila hinahanap ang asawang hiniwalayan nila, pero ang nagpapahirap sa kanila ay iyong ni hindi nila makita ang kanilang mga anak. Ang asawa, sabi nga nila, pagkatapos ng annulment o divorce puwede nang palitan. Iyong mga anak ay hindi mo kailanman mapapalitan, kahit na magkaroon ka pa ng bagong mga anak.

Baguhang aktor parating nakikitang bangag

Inaasahan nilang sisikat ang isang baguhang male star. Pero kung iyan nga ba ay nasasabak na sa isang hindi magandang buhay, at marami ang nagpapatunay na siya ay isang drug user, titino nga ba ang career niyan? Palagay namin malabo na iyan. Naitatago nga lang siguro ng kanyang mga publicist ang katotohanan na madalas siyang nakikitang bangag sa mga public places pa man din.

vuukle comment

ANAK

ISANG

IYON

KANYANG

MATTEO

NAMAN

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with