^

Pang Movies

Rita bilib sa loyalty ni Marian

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Isinilang” na ni Rita Avila ang ikatlo niyang isi­nulat na libro, ang The Invisible Wings / Ang Na­wawalang Pakpak. Last Sunday ginawa ang book launching/signing sa isang book fair sa SMX Convention Center.

Tungkol sa mga manika niyang sina Popoy at Mimay plus isa pang character ang kuwento ng third book.

“Sa pamamagitan ng librong ito, naghatid kami ng magandang leksyon para magkaroon pa tayo ng mas maraming anghel sa lupa,” saad ni Rita.

Layunin ni Rita na hikayatin na magbasa ng libro ang mga bata upang matuto. Plano rin niyang gawing series ang kuwento nina Mimay at Popoy.

“Tapos, may isa pang nagpapasulat sa akin ng nobela. So hopefully, makagawa ako nu’n,” sey pa ng aktres.

Bata pa lang ang aktres ay hilig na niyang magsulat. Ngayon lang daw niya nailalabas ang kahiligan niyang ‘yon at nabibigyan ng pagkakataon na magawa.

“Sa ngayon, hindi ko pa alam kung makakara­ting ako sa pagsusulat ng nobela. Gusto ko kasi ‘yung maiksi lang para hindi mapagod ang mga bata na magbasa. Makikita pa nila sina Mimay at Popoy sa ibang edisyon naman,” pahayag pa ng aktres.

Nagsilbi ring birthday gift ni Rita sa mambabasa ang book at nu’ng book signing niya, namigay siya ng cupcake sa first 200 buyers. Para rin kasi sa orphanages ang kikitain ng book.

Sa book signing ni Rita, pumas­yal ang anak-anakan niyang si Ma­rian Rivera. In case you don’t know, bahagi ng entourage ni Marian si Rita.

“Natuwa ako sa batang ‘yon dahil hindi niya ako kinuhang ninang! Ha! Ha! Ha! Ayoko pang magninang! Ha! Ha! Ha!” rason niya.

Ayon pa kay Rita, iilan lang ang mga ar­tistang kasama sa ka­sal at ‘yung talagang ma­lapit na malapit sa aktres.

“Bilib ako kay Ma­rian dahil napatunayan na niya ng ilang beses ang loyalty at pagmamahal niya sa akin! Nga­yon, bow ako sa batang ‘yon!” pagmamalaki ni Rita.

Aktres hindi nagbayad ng tama sa pinuntahang doctor, nag-assume na type siya

Umiral ang kakuriputan ng kilalang aktres nang magkasakit siya at nagpatingin sa isang espesyalista ng kilalang ospital.

Natugunan naman daw ng doctor ang sakit ng aktres at napigilan ng doctor ang anumang impeksyon na magiging epekto ng sakit. Mahal talagang sumingil ang doctor kaya naman ‘yung dapat na bayad sa kanya lang ang siningil niya.

Pero hindi binayaran lahat ng aktres ang buong bill niya. Binawasan niya talaga ito nang walang lambing sa doctor, huh! Feeling niya, kilala siyang aktres at pasaporte ‘yon upang makabawas siya sa bayad!

Hindi alam ng aktres na hindi attracted ang doctor sa kanya kahit maganda siya. Iba kasi ang pre­ference ng doctor, huh!

vuukle comment

AKTRES

ANG NA

BOOK

CONVENTION CENTER

MIMAY

NIYA

POPOY

RITA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with