^

Pang Movies

Lea ninominate si Sarah at Bamboo sa ice bucket challenge!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mabilis ngang nag-upload ng videos nila sa YouTube sina Lea Salonga at Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. pagkatapos silang hamunin na gawin ang pamosong “ice bucket challenge” para maka-raise ng funds para sa extensive research sa sakit na kung tawagin ay ALS (amyothropic lateral sclerosis) o mas kilala bilang Lou Gehrig’s Disease.

Ang The Voice of the Philippines coach na si Lea ay ni-nominate ni Urs Buhler, isa sa miyembro ng operatic pop vocal group na Il Divo. Samantalang si Donaire ay nominated naman ng Guardians of the Galaxy star at Fil-Am wrestling star na si Dave Bautista.

Sa video ni Lea, sinabi nito na isang personal na bagay ang kanyang paggawa ng ice bucket challenge dahil ang uncle ng kanyang mister na si Rob Chien ay namatay dahil sa sakit na ALS.

Kaya ang kanyang mister ang nagbuhos ng isang timba ng ice-cold water kay Lea. Dagdag pa ng Broadway star na bale-wala ang ilang minutong discomfort dahil sa lamig ng tubig kumpara sa ilang taong paghihirap ng isang taong may sakit na ALS.

Ni-nominate naman ni Lea para gawin ang ice bucket challenge at mag-donate for ALS ay sina Aga Muhlach, Glee star Darren Criss, at ang mga kasama niyang coach sa The Voice of the Philippines na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Apl.de.Ap.

Si Donaire naman ay nag-organize pa ng isang “Vegas style ice dunk challenge” kasama ang kanyang misis na si Rachel at ilang mga kaibigan.

Bawat bola na ihagis nila sa challenge na ito ay may corres­ponding amount at umabot na nga raw sa $5000 ang kanilang nalikom for ALS.

Ang ice water naman na kanilang ginamit ay i-recycle nila sa swimming pool at sa landscape ng bahay ni Donaire. Para naman daw walang masayang at nakatulong pa sila sa environment.

Ni-nominate naman ni Donaire si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, American football player Frank Gore, Top Rank Boxing promotions president Todd DuBoef, and American businessman Daymond John na gawin ang ice bucket challenge at magbigay ng kanilang donation to ALS.

Nakatanggap na nga ng higit sa $16 million in donations ang ALS association dahil sa ice bucket challenge.

Kumpirmado, Mariah at asawang si Nick matagal nang hindi nagsasama

Kinumpirma ng singer and host ng America’s Got Talent na si Nick Cannon na hiwalay na nga sila ng misis niyang si Mariah Carey.

Ilang buwan na silang hindi nagsasama sa iisang bahay at gusto na lang ni Cannon na mag-focus sa mga pangangailangan ng kanilang twins na sina Monroe and Moroccan.

“There is trouble in paradise. We have been living in separate houses for a few months. My main focus is my kids,” pahayag pa ni Nick sa isang interview.

Kilalang babaero si Nick noong hindi pa sila kasal ni Mariah. Kabilang sa mga naging conquest ni Nick ay si Kim Kardashian. Ang pagiging babaero pa rin daw ni Nick ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Kinasal sila Nick and Mariah in 2008 sa isang private estate ng diva in The Bahamas.

Since July ng taong ito ay hindi na nakikitang magkasama ang dalawa at kahit sa social media ay nagpo-post si Mariah ng mga photos na hindi kasama si Nick at mga kambal lang nila ang kasama niya.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALS

CHALLENGE

DONAIRE

ICE

MARIAH

NICK

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with