^

Pang Movies

Young actor na umiral ang kakatihan, may galis sa singit ang natipuhan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umiral daw minsan ang kakatihan sa babae ng isang young actor. Nagpahanap siya sa kaibigan ng bayarang babae na magpapalipas ng kati niya.

Upang disimulado ang pagpaparaos, sa bahay ng kaibigan dinala ang nakuhang girl. May kasama rin siyempreng girl ang kaibigan upang sabayan ang friend na artista.

Matapos ang isang oras, nagulat na lang ang friend ng aktor nang nakita niyang nasa sala at umiinom ang aktor. Samantalang ‘yung aktor ay mukhang dismayado ang hitsura.

Nang tanungin ng friend kung ano ang nangyari, ayon sa aktor ay na-turn off siya sa girl dahil may galis daw sa singit!

Daniel sineseryoso na ang pagkanta

Aminado si Daniel Padilla na hindi naman siya magaling kumanta. Kaya naman sorpresa na naman sa kanya ’yung award niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP) na OPM Artist of the Year.

“Eh habang tumatagal po, mahal na mahal ko na (ang pagkanta). Ini-enjoy ko na rin po. Hindi lang pansarili ang enjoyment ko. Marami pong natutuwa ’pag kumakanta ako nang hindi naman talaga… Hahaha!

“Hindi naman kagandahan ang boses pero ’yun po. Maraming salamat sa tiwala,” pahayag ni Daniel nang i-announce ng PEP ang unang batch ng winners ng PEP List.

AiAi ayaw nang pag-boyprenin ni James

Pinayuhan ni James Yap si AiAi delas Alas na makipag-date na lang at huwag nang mag-boyfriend nang pumunta ang basketbolista sa PEP event dahil siya ang tinanghal na 2103 Newsmaker of the Year.

Kung ngayon ay may gap sina Kris Aquino at AiAi, ngayon ay silang dalawa naman ng komedyante ang malapit sa isa’t isa.

 â€œMadali lang namang pakisamahan si AiAi. Sobrang bait. Kaya I’m sure makakahanap din siya ng lalaking magmamahal sa kanya,” pahayag ng basketbolista kay AiAi.

Pagdating naman sa friendship nila ni James, ang pag-aalaga sa anak ang madalas na i-advice ni AiAi sa basketbolista.

 

vuukle comment

ARTIST OF THE YEAR

DANIEL PADILLA

JAMES YAP

KAYA I

KRIS AQUINO

NAMAN

NANG

NEWSMAKER OF THE YEAR

PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with