^

Pang Movies

Tom at girlfriend napansin sa Broadway!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nominated si Tom Rodriguez at ang girlfriend niyang si K-La Rivera sa Broadway World PH Awards. Dalawa ang nominasyon ni Tom para sa musical play na Aladdin, bilang best actor (musical) at best crossover from mainstream to theater para nasabing produksiyon.

Nominado naman si K-La bilang best actress sa musical na Carrie. Makakalaban niya si Rachelle Ann Go na nominado rin bilang best actress (musical) para sa Tarzan.

Kasalukuyang nasa Amerika si Tom kasama sina Dennis Trillo at Carla Abellana para sa US tour ng My Husband’s Lover concert. Base sa Instagram account ng manager nilang si Popoy Caritativo na kasama sa biyahe, natutuwa siya dahil sa rami ng taong nanonood ng show habang ipinagsisigawan ang pa­ngalang Eric, Vincent, at Lally na tumatak sa manonood ng GMA series.

Marian, aktres na aktres na

Winner na naman ng best actress award si Marian Rivera. First time niyang manalo sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kaya malaking karangalan ito sa aktres.

Unang hinirang ng Entertainment Press Society si Marian bilang best actress sa epic serye niyang Amaya. This time, para naman sa series niyang Temptation of Wife nanalo ng award si Yan-Yan.

Sa dalawang acting awards, patunay lang na recognized na ang pagi­ging aktres ni Marian. Kaya naman sa bago niyang drama series sa GMA, hahamunin muli ang kakayahan niya bilang Primetime Queen ng Kapuso Network, huh!

Andi ipamimigay na ang mga damit ng anak

Ipamimigay na ni Andi Eigenmann ang mga damit na kinalakihan ng anak na si Elle. May sentimental value man para sa batang ina ang damit ng anak, batid niyang mas malaking kasiyahan ang madarama ng mga batang mabibigyan ng damit.

Bukod kasi sa personal na handog sa mga bata na naging biktima ng bagyong Yolanda, may mga iba pang fund-raising na ginagawa si Andi katulong ang kanyang mga sponsor. Pero sa Disyembre ay maglalaan ng araw ang young actress upang dalhin personally ang regalo sa mga bata.

Dahil sa magandang kalooban ng aktres, patuloy naman siyang nabibiyayaan ng maraming trabaho sa showbiz. Showing na bukas ang kinabibilangan niyang biggest drama ng taon, ang When the Love is Gone at patuloy pa ring pinapanood ng tao ang kanyang Galema, Anak ni Zuma.

 

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

BROADWAY WORLD

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

K-LA RIVERA

KAPUSO NETWORK

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with