^

Pang Movies

Show ng mga Gutierrez milyun-milyon ang gagastusin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang sosyal ng Gutierrez family dahil kukunan sa Asian countries ang mga eksena nila sa reality show na kanilang pagbibidahan, ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Para dalhin ang buong pamilya ng Gutierrez sa Singapore at Malaysia, siguradong malaki as in mil­yun-milyon ang budget ng producer.

Type ko na  i-suggest sa mga produ ng It Takes Gutz To Be A Gutierez na mag-invite ng mga reporter sa unang araw ng taping ng reality show sa Singapore at Malaysia. Siyempre, kasama dapat ako sa mga iimbitahin para extensive ang coverage. Extensive daw o!

Mga bumabatikos kay Sen. Villar parang nagpapanggap lang

Tama ang ginawa ni Senator Cynthia Villar sa senate inquiry noong Huwebes tungkol sa pork barrel scam.

Napanood sa national TV na hindi masyadong nag­tanong si Mama Cynthia kay Janet Lim-Napo­les dahil useless din. Alam niya na sasagot lang si Mama Jenny ng “ Hindi ko alam” at “I  invoke my right to self-incrimination.”

May mga nagpapanggap na marunong na binabatikos si Mama Cynthia. Palpak ang kanilang mga batikos dahil hindi nagsayang ng oras si Mama Cynthia.

Bakit pa nga ba siya magtatanong eh predictable at expected na ang mga isasagot ni Mama Jenny?

Delubyo sa ‘Pinas bidang-bida sa international news

Nakakalungkot ang mga palabas kahapon sa mga international news, ang delubyo na dinala ni  Typhoon Yolanda sa Pilipinas.

Tama ang babala na ibinigay ng PAGASA sa mga Pilipino na maging handa at mag-ingat dahil marami ang nasalanta kahapon ng malakas na bagyo. Ma­ling-mali talaga ang pang-ookray na gina­wa ni Rico Robles  dahil lumitaw na may katotoha­nan at talagang naganap ang matinding babala ng PAGASA.

Lesson kay Rico ang nangyari. Sa susunod, huwag siyang basta magbibitaw ng opinyon kung kulang ang kaalaman niya sa isyu para  hindi na maulit ang kanyang experience.

Anak nina Joey at Alma tiyak na ang pagsali sa beauty pageant

Confirmed na sasali si Winwyn Marquez sa Bb. Pilipinas pero hindi pa sa susunod na taon. Target ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na mag-join sa Bb. Pilipinas sa 2015 para emotionally, mentally and physically ready na siya.

Mga supportive parent sina Alma at Joey. Tiyak na susuportahan nila ang pangarap ni Winwyn na maging beauty queen.

Kung nabubuhay si Douglas Quijano, tiyak na su­portado rin niya ang goal ni Winwyn. Tunay na apo ang trato ni Douglas sa lahat ng mga anak nina Joey at Alma. Nabanggit nga ni Winwyn na miss na miss na niya si Douglas na sigu­radong manager niya kung nabubuhay pa ito.

Aktres na bitter at pinagsasabing hindi ginalaw ng EX, hindi pinaniniwalaan

Bitter ang isang aktres dahil hiniwalayan siya ng kan­yang karelasyon. Ikinukuwento ng aktres na mahal na mahal niya ang kanyang dyowa dahil sa respeto na ibini­gay sa kanya.

Hindi raw siya ginalaw ng mhin noong sila pa. Naniwala ba ang mga kaibigan na pinagkuwentuhan ng ilus­yonadang aktres?  Of course not!

Sinakyan na lang nila ang mga kaetchosan sa buhay ng aktres para hindi na madagdagan ang loneliness nito.

Bakit paniniwalaan ang kanyang pralala eh halos naka­tira na siya noon sa bahay ng  boyfriend niya?

vuukle comment

MAMA CYNTHIA

MAMA JENNY

PILIPINAS

SHY

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with