^

Pang Movies

Ariella Arida nilait-lait ni Mo Twister, Ervic Vijandre naghamon ng suntukan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ano ba ‘yan? Nagsasagutan at nag-iinsultuhan sa Twitter sina Mo Twister at Ervic Vijandre dahil kay Bb. Pilipinas-Universe 2013 Ariella Arida.

Hindi raw nagustuhan ni Ervic ang tweet ni DJ Mo tungkol kay Ariella na rumored girlfriend niya kaya hinamon niya ng suntukan ang ex-boyfriend ni Rhian Ramos na matagal nang namamalagi sa New York.

Na-hurt si Ervic dahil sa panglalait ni Mo kay Ariella na official representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2013.

Eh likas na sutil at mapagpatol si DJ Mo kaya sinagot nito ang lahat ng mga tweet sa kanya ni Ervic.

Tinawag ni Ervic na little lady boy, Little Miss Phi­­lip­pines at “ teh “ si DJ Mo na gumanti naman at nagsabi na dancer ng isang gay bar ang aktor. Nakakaloka ang palitan ng mga insulto nina DJ Mo at Ervic pero enjoy ang followers nila sa pagbabasa ng kanilang panglalait sa isa’t isa.

Expected na ipagtatanggol ni Ervic si Ariella. Ang sabi ni Ervic, nililigawan pa lang niya ang beauty queen pero naniniwala ang mga baklita na may relasyon na sila.

Hindi naman pag-aaksayahan ni Ervic ng panahon si DJ Mo kung hindi special sa kanya si Ariella. Hanggang talakan lang  ang puwede nilang gawin ni DJ Mo dahil nasa Amerika ito at naririto naman siya sa Pilipinas.

Praying ang supporters ni Ariella na makuha nito ang Miss Universe crown o maging runner up siya para mapahiya raw si DJ Mo.

Sarah at Jed sabay pumasok sa showbiz

Magkatapat pala ang mga concert nina Sarah Ge­ro­nimo at Jed Madela sa  November 15. Hindi na ma­pipigilan  ang pagtatapat ng kanilang mga concert dahil matagal nang naka-book ang Smart Araneta Coliseum para sa Perfect 10 concert ni Sarah at ang  PICC na venue ng show ni Jed.

Parehong ipagdiriwang nina Jed at Sarah ang ka­ni­lang 10th anniversary concert sa entertainment in­dus­­try. Hindi ko akalain na magkasabay pala nang mag-umpisa ang mga showbiz career nina Jed at Sarah. Siyempre, mas malaki ang lugar ng concert ni Sarah na may repeat agad dahil mabilis na naubos ang tickets.

Bekikang star studded

Star-studded pala ang Bekikang: Ang Nanay Kong Beki dahil sa guesting nina Maricel Soriano, Andi Eigenmann, Janice de Belen, Iza Calzado, at Dingdong Dantes.

Si Janice ang gumanap na madir ni Joey Paras pero natsugi siya agad sa first part ng Bekikang. Si Tirso Cruz III naman ang nag-portray bilang tatay ni Bekikang.

Ang Viva Films ang producer ng Bekikang. Confident ang mga big boss ng Viva Films na pipilahan sa takilya ang launching movie ni Joey dahil sa word of mouth na entertaining ang pelikula. Sa dami ng mga beki sa Pilipinas, imposibleng hindi maging blockbuster ang Bekikang.

Relasyon ng starlet for all seasons panay ang pa-misteryo

Hindi direktang inaamin ng aktor at aktres ang kanilang relasyon pero sige sila sa paglalagay sa social media ng mga litrato nila.

Kung sabagay, starlets ang kanilang kategorya kaya hindi big deal kung aminin o i-deny nila ang love affair. Hindi naman makakatulong sa pagsigla ng showbiz ang kanilang relasyon.  Blind item ang pagkakasulat ko dahil baka ako pa ang laitin ng dear readers ng PM sa pagpatol ko sa kiyeme-kiyemeng love affair ng mga starlet for all seasons.

                                          

vuukle comment

ARIELLA

BEKIKANG

DAHIL

ERVIC

MISS UNIVERSE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with