^

Pang Movies

Nahuli raw magkasama ang dalawa Rayver sabit sa hiwalayan nina Derek at Cristine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May narinig ako na ibang version ng kuwento tungkol sa paghihiwalay nina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Ang tsismis, I repeat, tsismis, meaning hindi con­firmed, na-hurt daw si Derek nang malaman nito na magkasama si Cristine at ang ex-boyfriend nito na si Rayver Cruz.

In fairness to me, mababaw ang version na kumakalat dahil hindi naman makitid ang isip ni Derek. Normal lang na magkita at magkasama sina Rayver at Cristine dahil co-stars sila sa teleserye ng ABS-CBN, ang Bukas na Lang Kita Mamahalin. Mag-asawa pa nga ang role nila ‘no?! Naniniwala ako na may mas malalim na dahilan kaya mabilis na natapos ang love affair nina Derek at Cristine.

Rafa nag-audition sa serye ni Kylie

Nag-audition pala si Rafa Siguion-Reyna para sa Adarna, ang upcoming primetime teleserye ng GMA 7 na pagbibidahan ni Kylie Padilla.

Hindi pa alam ni Rafa ang resulta ng auditions na ipinatawag ng Kapuso Network dahil naghahanap sila ng bagong leading men na ibi-build up.

Marunong kumanta at magaling sumayaw si Rafa na hindi nakakapagduda dahil galing siya sa angkan ng mga mahuhusay na artista, ’di ba Tita Midz (Armida Siguion-Reyna)?

Anak si Rafa ni Bibeth Orteza at ng award-winning director na si Carlos Siguion-Reyna. So, alam n’yo na kung kanino nagmana ang young aspiring actor na sing nang sing sa birthday party ng entertainment writer na si Allan Diones noong Martes.

Proud mother si Bibeth habang pinagmamasdan ang pagkanta ng kanyang anak na sanay na sanay na mag-perform sa harap ng maraming tao.

Dominic at Diana hindi nawawalan ng raket sa Kapamilya

May mga nakapansin na hindi nawawalan ng project sa ABS-CBN si Dominic Ochoa dahil nang matapos ang Muling Buksan ang Puso noong isang linggo, napanood agad siya sa Maria Mercedes na nag-umpisa naman noong Lunes.

Hintayin ninyo ang paglabas ni Tonton Gutierrez sa Maria Mercedes. May special participation si Tonton sa Maria Mercedes at napapanood din siya sa teleserye na kasunod nito, ang Bukas na Lang Kita Mamahalin.

Walang ipinagkaiba si Tonton kay Diana Zu­biri na gabi-gabing napapanood sa Juan dela Cruz at sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Makapal ang make-up ni Diana sa Juan dela Cruz kaya nagugulat ang mga tao kapag nalalaman nila na siya pala si Peruha, ang kontrabida sa buhay ni Coco Martin sa fantaserye.

Badil ni Direk Chito hinihintay ipalabas sa mga sinehan

Si Chito Roño ang direktor ng Maria Mercedes at siya rin ang direktor ng Badil, ang indie movie na kasali noon sa Sineng Pambansa.

Marami ang humihiling na magkaroon ng commercial run ang Badil dahil sa mga feedback na napakaganda ng pagkakagawa ni Chito sa kanyang unang indie movie. Para sa mga film critic, ang Badil ang isa sa pinakamagandang pelikula na ginawa ni Chito at may karapatan ito na mapanood ng maraming Pilipino.

Hindi masyadong nai-promote ang Sineng Pambansa kaya nagtaka pa ang mga Pinoy nang malaman nila na may pelikula si Chito na Badil ang pamagat.                                           

 

vuukle comment

BADIL

CHITO

CRISTINE

DEREK

LANG KITA MAMAHALIN

MARIA MERCEDES

RAFA

SINENG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with