^

Pang Movies

Kilalanin ang Lucky 9 na bagong bulilits

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa darating na Linggo (Hunyo 9), bigyang daan ang pagdating ng siyam na bagong cute na mga tsikiting ng Goin Bulilit na magpapasabog ng kakulitan at katatawanan.

“Most of the kids are five years old kaya asahang mas makulit ang bagong batch na ito,” kuwento ni Ricky Victoria, Creative Manager ng Goin’ Bulilit.

Walong taon nang naghahatid ng saya ang naturang longest-running kiddie gag show sa bansa. Kasabay ng anibersaryo nito noong Pebrero ay nag-graduate ang isa pang batch ng ‘bulilits’ na kinabibilangan nina Kobi Vidanes, Joseph Andre Garcia, Aaron Juntas, Alexa Ilacad, at Angel Sy.

Nagbigay daan ito para magtawag ng auditions para bagong batch ng child stars na kukumpleto sa cast ng programa. Libu-libong bibong batang may edad lima hanggang walong taong gulang ang dumagsa sa isinagawang auditions. “Labindalawang kids ang masuwerteng napili sa auditions pero pagkatapos ng masusing workshops, siyam na lang silang natira,” sabi ni Victoria.

Dagdag pa ni Victoria na bukod sa talento sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw, ‘charm’ at ‘charisma’ ang hinanap ng mga judges sa auditions na nakita naman nila sa mga napiling bata.

Kasama rin sa bagong cast ng programa ang child wonder na si JB Agustin na nauna nang bumida sa hit fantaseryeng Little Champ. Ang ilan pang kukumpleto sa cast ay sina Aldred Nasayao, CX Navarro, Lance Lucido, Aaliyah Belmoro, Allyson Mcbride, Ashley Sarmiento, Jillian Aguila, at Kazumi Porquez.

Samantala, abangan naman ngayong Linggo (Hunyo 9) ang inihandang pakwela sa balik-eskwela ng Goin’ Bulilit kids sa kanilang nakakaaliw na back-to-school gags at sketches. Kapit na sa mas pinasayang Goin Bulilit tuwing Linggo sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

 

vuukle comment

AALIYAH BELMORO

AARON JUNTAS

ALDRED NASAYAO

ALEXA ILACAD

ALLYSON MCBRIDE

ANGEL SY

ASHLEY SARMIENTO

GOIN BULILIT

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with