^

PM Sports

Importansiya sa sports

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Magandang pahiwatig para sa Philippine Sports na isinama ang 25 atleta sa military civic parade noong nag-oath-taking si Presidente Bongbong Marcos.

Ipinakita ni PBBM na pinahahalagahan niya ang Philippine Sports.

Makakaasa tayong hindi mapapabayaan ang ating mga atleta para patuloy na makapagbigay ng karangalan sa bansa that we can be proud of.

Importanteng may malasakit sa mga atleta ang Pre­sidente. Iyong alam mong nakasuporta ang Pangulo sa  malalaking laban ng ating mga atleta.

Mabigat ang dating nun.

Iba kasi iyong feeling kapag nananalo ang isang Pinoy sa mga international competitions. Nakaka-proud maging Pinoy. Masarap ipagmalaki na isang kababayan natin ang pinakamahusay sa mundo ‘di ba. And they need all the support they can get, especially mula sa Presidente.

As of this writing, wala pang ina-announce na magi­ging kapalit ni William ‘Butch’ Ramirez bilang Chairman ng Philippine Sports Commission.

Mayroon nang shortlist ng mga puwedeng kapalit ni Ramirez at kung sinuman ang mapipiling kapalit, talagang mabigat na responsibilidad ang kanilang susuungin lalo pa’t mataas ang batayang iiwan ni Ramirez kung saan malalaking achievements ang naganap sa mundo ng sports sa ilalim ng kanyang administrasyon tampok ang overall championship ng ‘Pinas noong 2019 SEA Games at ang Olympic gold medal ni Hidilyn Diaz sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sinasabing baka i-iretain si Ramirez sa PSC… Why not?

Eh ‘di naman maikakailang maganda naman ang naging performance niya.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with