^

True Confessions

Suklam (94)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Mula noon, natahimik na si Brent. Hindi na siya “kinulit” ni Vivian. Naituwid marahil niya si Vivian. Nagtagumpay siya kung ganoon.

Hanggang sa malaman na lamang niya na nag-resign na si Vivian sa kompaya. Kung ano ang dahilan at nag-resign ay hindi na niya inalam pa—at wala na siyang interes pa na may malaman tungkol kay Vivian.

Nasabi niya sa sarili na mabuti ngang nawala na si Vivian sa kompanya. Mas mabuting wala na ang babaing kasuklam-suklam.

Makaraan ang anim na buwan mula nang mag-resign si Vivian, si Mara naman ang nagbitiw. Nalaman niya na pupunta ito sa Canada, kasama ang asawang OFW. Mabuti si Mara at natuto. Nakaligtas sa pangangalunya.

Mula nang mawala si Vivian sa kompanya, nagkaroon nang maraming pagbabago. Unang-una, naging supervisor na siya. Lalong lumaki ang suweldo niya.

Isa sa mga inimplement niya sa departamento ay ang pag-renovate sa stockroom. Mayroon nang sariling head sa stockroom kaya lagi nang may tao roon. Sa ganung pagbabago, wala nang magaganap na “milagro” sa stockroom. Wala nang magaganap na kasalanan.

Malinis na malinis na ang stockroom at hindi na kababakasan ng mga dumi ng pangangalunya.

Nakahinga nang maluwag si Brent. Naisakatuparan niya ang balak.

ISANG hapon, hindi niya inaasahan ang pagtawag ni Julio.

“Magkita tayo, Brent.’’

“Sige, Julio. Saan?’’

Sinabi ni Julio.

Kinagabihan, nagkita sila.

May pinagtapat si Julio tungkol kay Vivian.

Gumawa uli ito ng kasalanan.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with