^

True Confessions

Suklam (101)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAKIKIUSAP daw ang nanay mo. Bago man lang daw siya mamatay ay gusto akong makita. Hindi ako makapagpasya nang unang tumawag sa akin ang babaing kaibigan. Hindi ko alam ang gagawin, pero kanina, nagpasya na ako na dadalawin siya—bago man lang siya yumao ay napagbigyan ko ang kahi­lingan,’’ sabi ng tatay ni Brent.

“Siya ba ‘yung lagi mong kausap ‘Tay?’’

“Oo. Napansin mo pala.’’

“Opo. Kaya po ba lagi kang bumababa ng bahay kapag kausap mo?’’

“Oo. Ayaw kong marinig mo. Alam ko naman kung gaano ka kasuklam sa iyong “Akala ko ‘Tay, nasusuklam ka rin sa kanya?’’

“Oo. Pero sa pagkaka­taong ito na malapit na siyang mamatay, pagbibigyan ko na ang kahilingan. Mabuti na ‘yung wala akong dalahin sa isip.’’

“Pero sinaktan ka niya nang labis, ‘Tay. Kung may­roon mang may mabigat na dalahin sa konsensiya, siya ‘yun.’’

“Oo nga. Pero kaya ko na namang lunukin ang ginawa niya. Matanda na ako at hindi magtatagal, mamama­alam din sa mundong ito.’’

“Akala ko ‘Tay, hindi mag­babago ang pasya mo ukol sa kanya. Akala ko, itinuring mo na siyang patay noon pa!’’

“Akala ko rin, Brent. Pero may pagkakataon palang nagbabago ang isip ng tao kahit na grabeng nasaktan,’’ sabi at saka humugot ng buntunghininga.

“Kailan mo siya pupuntahan, ‘Tay?’’

“Bukas.’’

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with