^

True Confessions

Suklam (102)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAKAUSAPIN ko ang kapatid mong si France kung sasama siya sa akin sa pagdalaw sa iyong ina,’’ sabi ng tatay ni Brent. “Sabi nga pala ng kaibigan ng iyong ina na tumawag sa akin, kung dadalaw ako ay huwag nang pagtagalin sapagkat anumang oras ay maaaring­ malagutan ng hininga. Kaya nga bukas ng umaga, balak kong pumunta,’’ tumigil san­dali ang tatay ni Brent at saka nagpatuloy.

“Nasa bahay ng kaibi­gan sa Sampaloc ang iyong ina. Inilabas na raw niya sa ospital maka­raang sabihin ng doktor na nabibilang na ang araw. Wala na raw ma­gagawa para dug­tungan ang buhay.

“Ang kaibigan ang kumupkop­ dahil maski raw mga kapatid at kamag-anak ay walang may gusto. Sabi ng kaibigan, naging­ mabuti naman sa kanya ang iyong ina kaya hindi niya ito ma­tiis. At least daw nakagawa siya ng mabuti sa kanyang kaibigan sa pa­mama­gitan ng pagkupkop.’’

Nag-uusap pa sina Tatay at Brent nang dumating si France. Sinabi ng tatay ang pangyayari. Tinanong kung sasama ito sa pagdalaw sa ina. Sasama raw si France. Walang epekto kay Brent kung sasama man si France. Hindi kasi ito nakadama ng sakit sa ginawang kasalanan ng kanilang ina.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with