Suklam (103)
Mapapatawad ba niya ang kanyang ina sa kasalanan nito? Kaya ba niyang makita ang kinasusuklamang babae na nagdulot ng mga masamang alaala ng kanyang kabataan? Iyon ang mga katanungang naglaro sa isipan ni Brent habang nakahiga ng gabing iyon.
Paano niya malilimutan ang kasalanan ng kanyang ina na walang awang niyurakab ang dangal ng kanyang mahal na ama? Hindi niya malilimutan ang pananakot ng kanyang ina na masama ang mangyayari kapag nagsumbong siya sa ama. Nahuli niya noon ang kanyang ina at lalaki nito habang nagtatalik sa banyo. At ang kasunod, nahuli niya ang mga ito sa mismong kuwarto. Walang awang dinungisan ang malinis na tahanan. Paano niya ito mapatatawad.
Ngayon, maysakit na ang kanyang ina at anumang oras, mamamatay na. Malapit na malapit na!
Kinabukasan nang aalis na ang tatay at kapatid ni Brent patungo sa mamamatay na ina, nagpasya siya. Sasama siya!
(Itutuloy)
- Latest