National University Pep Squad naka-3-peat sa CDC
MANILA, Philippines — Kinumpleto ng National University Pep Squad ang kanilang ‘three-peat’ matapos muling manalo sa UAAP Season 89 Cheerdance Competition sa harap ng 21,126 fans kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ginamit ng NU Pep Squad para makamit ang kanilang record-extending 10th championship ang isang Mayan at Aztec-inspired routine.
Ipinakita ng tropa ni coach Gab Bajacan ang kanilang inihandang magandang choreography, mapanganib na stunts at ritualistic pyramids.
Sumegunda ang University of the East Pep Squad para sa kanilang unang podium finish simula noong 2017.
Ito ang kauna-unahan nilang runner-up trophy.
Ang Far Eastern University Cheering Squad ang pumangatlo mula sa kanilang Aladdin routine.
Ito ang ikalawang sunod na second runner-up finish ng FEU Cheering Squad.
- Latest

















