^

PSN Palaro

Quarterfinal spot puntirya ng Gilas Men 3x3

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang ilalabas ng Gilas Pilipinas Men’s 3x3 Team ang buong puwersa nito sa pagharap sa Kazakhstan sa 2026 Asian Games na ginaganap sa Kinjo Futo Station Square sa Nagoya, Japan.

Nakataya sa bakbakan ng Gilas at Kazakhstan ang quarterfinal spot kaya’t asahan ang matinding salpukan sa pagitan ng dalawang teams sa alas-12:15 ng hapon.

Tangan ng Gilas Plipinas ang 2-0 rekord sa Pool A upang matatag na kapitan ang solong pamumuno.

Ginulantang ng Gilas Pilipinas ang Asian No. 1 Mongolia sa iskor na 19-12 at Sri Lanka sa pamamagitan ng 21-12 panalo.

Kung mananalo ang Gilas sa Kazakhstan, awtomatiko itong papasok sa quarterfinal knockout stage.

Galing ang Kazakhstan sa kabiguan sa Mongolia para malaglag sa 1-1 marka.

Nauna nang tinalo ng Kazkhstan ang Sri Lanka.

Mangunguna sa ratsada ng Gilas Pilipinas si Nic Cabañero ng Binan Tatak Gel sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Mainit si Cabañero nang magtala ito ng pitong puntos laban sa Mongolia at walong puntos kontra sa Sri Lanka.

Kasama ni Cabañero si University of Santo Tomas standout Koji Buenaflor, at sina Doy Dungo at Luis Pablo ng La Salle.

“Dito sa 3x3, anybody can beat anyone, so we consider everyone a threat,” ani Pablo.

Nais ng Gilas na maka-­bawi sa 3x3 matapos mabigo ang Pinoy cagers na madepensahan ang korona nito sa 5x5 event.

Nalaglag ang Gilas Pilipinas sa 5x5 group stage nang lumasap ito ng masaklap na 61-105 kabiguan sa kamay ng China.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with