^

PSN Palaro

Gilas Women nadiskaril sa Japan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas Women nadiskaril sa Japan
Nailusot ni Kacey Dela Rosa ang kanyang layup laban sa isang Mongolian defender sa 20th Asian Games women’s 3x3 event.
POC Pool

MANILA, Philippines — Nadiskaril ang hangad na pagwalis ng Gilas Pilipinas Women sa group stage ng women’s 5-on-5 basketball competition matapos ang 67-89 pag­yukod sa Japan sa 20th Asian Games kahapon sa Aichi International Arena sa Japan.

Binanderahan ni naturalized player Elizabeth Means ang mga Pinay ca­gers sa kanyang 16 points, siyam na rebounds at dala­wang assists, habang may 13 at 11 markers sina vete­rans Afril Bernardino at Janine Pontejos, ayon sa pagkakasunod.

“It’s nice to go against a tough team that plays aggressive defense. More than that, I think it prepares us well for whoever we face in the quarterfinals,” sabi ng 6-foot-1 na si Means.

Isinara ng World No. 30 Gilas Women ang kampan­ya sa Group G bitbit ang 2-1 record kasama ang mga naunang 86-59 pagbugbog sa No. 69 Kazakhstan at 90-73 pagrapido sa No. 105 Hong Kong.

Winalis ng No. 10 Japan, ang Asiad reigning silver medalist, ang grupo tangan ang 3-0 baraha at tatayong top seed sa Group B sa quarterfinals kasunod ang Gilas Women.

Ang top two teams sa bawat grupo ang papasok sa knockout quarterfinals na nakatakda bukas.

Hihintayin ng Nationals ang resulta ng iba pang laro sa group stage para madetermina ang lalabanan nila sa quarterfinals.

Nagdomina ang mga Japanese sa rebounding department, 42-30, tampok ang 24 offensive boards kumpara sa 12 ng mga Pinay dribblers.

Samantala, dalawang sunod na panalo ang ipinoste ng Gilas Pilipinas Women 3x3 team sa pagsisimula ng kanilang kampanya.

Pinadapa ng mga Pi­nay 3x3 players ang Mongolia at Macau para palakasin ang tsansa sa quarterfinals berth.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with