Jetlag
Agree ba kayo sa pag-withdraw ni Eumir Marcial sa Asian Games sa Japan?
Kung si Eumir ang nag-decide, then good.
Lumaban siya sa isang professional fight sa California nung Linggo. Ang usapan, kung malulusutan niya ito at dehins mapalaban ng husto, diretso siya sa Japan.
Kaya ginawa niya ang lahat at umiskor ng sensational third-round knockout win laban kay Omar Huerta, isang middleweight, ng United States.
Viral ang KO ni Marcial sa social media.
So, ang akala ng karamihan, sisibat agad siya papunta sa Japan. In fact, may plane ticket na. Sakto sana sa Asian Games kung saan lalahok siya sa 80kg division simula mamaya.
Pero bigla sila nagbago ng desisyon. Nag-withdraw si Eumir dahil delikado raw.
Mahaba ang biyahe papunta Japan kung saan ang araw eh gabi sa California. Siguradong tatamaan ng jetlag.
At base na rin sa sarili kong experience, mahirap ang jetlag. Sumisikat na ang araw eh gising ka pa then pumipikit ang mata mo sa antok sa hapon.
Sa akin, mga two to four days ang jetlag.
Kaya kung tatamaan si Eumir, baka humihikab siya paakyat ng ring para lumaban sa mabigat na light-heavyweight division.
Ang mahirap sa Asian Games, sunud-sunod ang laban. Limang panalo para makuha mo ang gold.
Tama ang decision. Better safe than sorry.
- Latest




















