^

PSN Palaro

2 bronze tiniyak nina Saclag, Alvarez

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
2 bronze tiniyak nina Saclag, Alvarez
Carlos Yulo
adidas PH

MANILA, Philippines — Nakatiyak ang Team Philippines ng dalawang tansong medalya matapos ang mga panalo nina Jean Claude Saclag at Carlos Alvarez sa Mixed Martial Arts event ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Tinalo ni Saclag si Saud Fawaz Almolhem ng Saudi Arabia via unanimous decision sa quarterfinal round sa Mixed Martial Arts men’s traditional -65 kilogram division..

Lalabanan ni Saclag, dating national athlete ng wushu at kickboxing, si Otabek Rajabov ng Tajikistan sa semifinals bukas ng alas-10:20 ng umaga.

“Kasi nakikita ko dito iyong mga kalaro ko ngayon, iyong iba nakalaro ko na din sa eliminations sa Uzbekistan, kaya kumpiyansa ako bukas,” sabi ng 31-anyos na isang gold medalist sa Sanda World Cup at silver medal winner sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea.

Nangako si Saclag na ibibigay ang lahat para makapasok sa finals at makuha ang inaasam na gold medal.

“Alam kong maraming manonood at marami akong puwedeng mai-inspire na mga bata kapag nanalo ako. Sana maka-ginto tayo,” wika ng three-time Southeast Asian Games gold medalist sa kickboxing.

Pinabagsak naman ni Alvarez si Wahyu Setyost Ananda Wahyu Setyo ng Indonesia sa Mixed Martial Arts Men’s men’s traditional -77kg. class papasok sa semifinals.

Nakatiyak na rin si Alvarez ng tanso sa pagsampa sa semis.

JEAN CLAUDE SACLAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with