^

PSN Palaro

Abando balik-Korea

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Abando balik-Korea
Rhenz Abando
STAR/File

MANILA, Philippines — Balik-Korea si Rhenz Abando upang samahan ulit ang orihinal na koponang Anyang Jung Kwan Jang Red Booster sa paparating na season.

Hindi na-renew noong nakaraang season si Abando matapos ang 2 taon sa Anyang dahil sa natamong back injury subalit balik na ulit ang angas at lupit para magpasiklab sa Korean Basketball League.

Papalitan ni Abando sa Asian import quota spot ng Anyang ang kababayang si Javi Gomez de Liaño, na wala pang kasiguruhan kung mananatili sa KBL, lilipat sa ibang bansa o babalik sa PBA matapos iwan ang Terrafirma.

Nagrehistro si Abando ng 8.48 points, 2.7 rebounds at 1.0 assist sa u­nang season niya sa An­yang subalit limitado nalang ang aksyon sa sumunod na season dahil sa back injury.

Huli siyang naglaro para sa Anyang sa East Asia Super League (EASL) Final Four noong nakaraang taon.

Nito lang nakaraang linggo, nagsilbing solidong piyesa si Abando sa back-to-back championship sweeps ng Strong Group-Philippines sa 2025 William Jones Cup.

Strong Group ang u­nang Philippine team na nakasikwat ng 2 sunod na titulo para sa ika-8 kampeonato ng bansa annual invitational tourney.

Nakunsidera rin si Abando sa pinalaking 16-man Gilas Pilipinas pool ni coach Tim Cone subalit hindi na nakaabot sa ensayo dahil sa kampanya ng Strong Group.

Isinali ni Cone sina Abando, Zavier Lucero, RJ Abarrientos at Troy Rosario para sa Gilas na umiinda ng injuries nina Kai Sotto, Calvin Oftana at June Mar Fajardo.

Lilipad na ngayon ang Gilas pa-Jeddah para sa 2025 FIBA Asia Cup sa Agosto 5 hanggang 17 na hindi kasama si Abando at Lucero, ayon sa pagkakasunod.

RHENZ ABANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with