Bakit ba ganyan?
Parang teleserye ang kinatatampukan ng TNT Tropang Giga at star player na si Mikey Williams.
Nag-start na ang 48th PBA Season pero no show pa rin ang Fil-American guard.
Nasa America pa at ang balita eh wala pang balak bumalik sa Pinas.
Hanggang ngayon, hindi magkasundo si Mikey at ang TNT management.
Ganyan rin ang nangyari last year. Last-minute na-seal ang contract extension.
Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit ganito na naman ang sitwasyon.
Para kasing ang kontrata ni Mikey ay may renegotiation clause after each season. Mahirap ‘yan.
Depende lahat sa ihip ng hangin. At dahil maganda ang nilaro ni Mikey sa Governors’ Cup last April, humirit na naman ng renegotiation ang batang LA.
No question sa talent ni Mikey dahil sa last two championships ng TNT, kabilang na ang 2021 Philippine Cup at ‘yung last Governors’ Cup, siya ang Finals MVP.
Kaso, ang hirap kung palaging ganito.
Baka gusto na niya lumipat ng team. Eh ‘wag na siyang magpaliguy-ligoy pa.
Or baka naman gustong lumipat ng liga.
Pwede rin.
- Latest