^

PSN Palaro

Pacquiao wanted sa mga ballers ng World Cup

JBulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi basketball players kundi boxing legend ang laging hinahanap ng mga international players sa kanilang pananatili sa Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup.

At iyon ay walang iba kundi ang Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao na bagama’t wala sa basketball court ay siyang laging bukambibig ng mga da­yong ballers dito.

Pinakabago na rito si Karl-Anthony Towns ng Dominican Republic matapos niyang bisitahin si ‘Pacman’ sa mansion nito sa Makati.

“It’s fun. It’s great to meet a Filipino legend, bo­xing legend, sports legend. I’ve known Manny for a while. Being able to see him in the ring personally, being in training camp. It’s really fun to get to catch up. We haven’t seen each other in a while,” pahayag ni Towns ng Minnesota Timberwolves.

Ayon pa kay Towns, nabisita niya na rin si Pacquiao sa mga training camps at laban nito sa Amerika kabilang na ang paghahanda para sa laban noong 2021 kontra kay Errol Spence Jr. na pinalitan ni Yordenis Ugas dahil sa injury.

At sa kanilang muling pagkikita ni ‘Pacman’ ay tila lalong ginanahan si Towns nang magpakawala ng 24 points, 11 rebounds at 5 assists sa 87-82 upset win sa World No. 10 Italy.

Ito ay matapos siyang magposte ng 26 points at 10 rebounds sa 87-81 pa­nalo ng Dominican Republic sa Gilas Pilipinas sa harap ng record-breaking World Cup gate attendance na 38,115 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bukod kay Towns, nauna nang sinabi ni Italy mentor Pozzecco ang pagha­nga niya sa natatanging 8-division world boxing champion pagkalapag pa lang ng Italians noong nakaraang linggo sa Pilipinas para sa World Cup.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with