^

PSN Palaro

Solidong laro pangako ni Ramos sa Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi nagdadalawang-isip si Fil-American Dwight Ramos sa tuwing tinata­wag ito ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para maging bahagi ng Gilas Pilipinas pool.

Masaya ito sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng coaching staff kaya’t na­is niya itong suklian ng ma­gandang laro sa oras na su­mabak ang Pinoy squad sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“I’m feeling pretty happy. The coaches chose me every time so far, so hopefully, I can keep sho­wing them that I can help and hopefully get picked again,” wika ni Ramos.

Alam ni Ramos ang ma­tinding laban na haharapin ng Gilas Pilipinas sa sixth window.

Unang makakaharap ng Pinoy cagers ang Lebanon — na tumalo sa kanila sa nakalipas na window — sa Pebrero 24 kasunod ang Jordan sa Pebrero 27.

Dumating na sa bansa ang mga miyembro ng pool na naglalaro sa Japan B.League.

Usap-usapan na sa so­cial media na apat na play­ers na nasa pool ang nakasisiguro na ng puwesto sa Final 12.

Una na sa listahan si Barangay Ginebra import Justin Brownlee na legal nang makalalaro suot ang Gilas Pilipinas jersey matapos maaprubahan ang kanyang naturalization.

Nasa listahan din sina reigning PBA MVP Scottie Thompson at Roger Pogoy kasama si Ramos.

Ngunit wala pang opis­yal na listahan ang Gilas coaching staff dahil ihaha­yag ang Final 12 isang araw bago ang Philippine-Lebanon match.

vuukle comment

DWIGHT RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with