^

PSN Palaro

Cone buo ang tiwala kay Del Rosario na hawakan ang GSM

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cone buo ang tiwala kay Del Rosario na hawakan ang GSM
Tim Cone
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Habang nasa United States pa si head coach Tim Cone ay patuloy na mamandohan ni assistant Richard Del Rosario ang Barangay Ginebra sa 2022 PBA Philippine Cup.

Kasalukuyang solo ng Gin Kings ang second spot bitbit ang 5-1 record sa ilalim ng nangungunang San Miguel Beermen (6-1) kasunod ang Blackwater Bossing (4-1) at nagdedepensang TNT Tropang Giga (7-2) na nakakuha na ng quarterfinals seat.

Ipinagkatiwala ni Cone ang trabaho kay Del Rosario habang nagsisilbi siyang miyembro ng coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.

“The best way is to be myself dahil matagal ko na rin kasama iyong mga players, maganda iyong mga relationships namin kaya hindi ko na kailangang magpanggap sa kanila,” ani Del Rosario.

Dating PBA player ang 51-anyos na si Del Rosario, ang No. 9 overall pick ng Purefoods noong 1996 Rookie Draft, na naglaro para sa Mobiline, Sta. Lucia at Alaska.

Simula noong 2015 ay assistant coach na sa Ginebra ang 6-foot-5 na dating star center ng La Salle Green Archers sa UAAP.

Iginiya ni Del Rosario ang Gin Kings sa 105-89 pagdaig sa Converge FiberXers at sa darating na tatlo pang laro ng ‘never-say-die’ team.

“Iyong preparation ko is more on mental adjustment na wala kaming letdown,” wika ni Del Rosario.

Matapos ang Converge ay lalabanan ng Ginebra ang Terrafirma bukas, ang TNT sa Hulyo 10 at ang Meralco sa Hulyo 13.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with