^

PSN Palaro

San Miguel Leg 5 3x3 champion

Pilipino Star Ngayon
San Miguel Leg 5 3x3 champion
Hindi na binitiwan ng San Miguel ang trangko matapos umiskor si Manday ng lay-up para basagin ang 7-7 pagtatabla, bago muling sinundan ito ng 9-2 run para ibaon ang TNT sa 16-9 may 3:31 minuto na lang sa laro.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa sina Jeff Manday at Ken Bono para akayin ang San Miguel sa 21-12 panalo laban sa TNT Party at ang­kinin ang titulo sa Leg 5 ng PBA 3x3 Third Conference kahapon.

Ang unang leg crown ng Beermen ngayong conference ay nagkakahalaga ng P100,000.

Hindi na binitiwan ng San Miguel ang trangko matapos umiskor si Manday ng lay-up para basagin ang 7-7 pagtatabla, bago muling sinundan ito ng 9-2 run para ibaon ang TNT sa 16-9 may 3:31 minuto na lang sa laro.

Ang kabiguan ng TNT ang dumiskaril sa kanilang asam na maging unang koponan sa kasaysayan na nagwagi ng tatlong sunod na leg championship at nagkasya sa P50,000 premyo.

Napasakamay ng Cavitex ang ikatlong puwesto nang igupo ang Terrafirma, 21-14 para sa P30k.

JEFF MANDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with