^

PSN Palaro

Standhardinger sa Ginebra pa rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mananatiling ka-barangay si Filipino-American slotman Christian Standhardinger

Ito ay matapos bigyan ng sariwang three-year contract si Standhardinger ng Barangay Ginebra management ayon sa mga naglabasang ulat.

Wala pang kumpirmas­yon ang kampo ni Standhardinger.

Ngunit masaya si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na mananatili sa kanyang tropa ang mahusay na sentro.

Sanay na si Standhardinger sa sistema ni Cone.

Malaki ang papel ni Standhardinger sa rotation ng Gin Kings

Sa katunayan, naka­pagtala ito ng averages na 14.7 points, 5.2 rebounds at 4.2 assists sa apat na laro nito sa ginaganap na PBA Season 46 Governors’ Cup.

Kasalukuyang may 3-1 rekord ang Gin Kings bago ang holiday break.

Isa sa matikas na laro nito noong naitala ng Gin Kings ang 125-121 overtime win laban sa Phoenix Fuel Masters kung saan nagrehistro si Stanhardin­ger ng 30 puntos.

Kaya naman walang duda na karapat-dapat si Standhardinger sa tiwalang ibinigay ni Cone at ng Barangay Ginebra management.

Isa si Standhardinger sa mga niligawang PBA players ng mga teams sa Japan B.League kung saan malaking suweldo ang naghihintay sa Japan.

STANDHARDINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with