^

PSN Palaro

Blaze Spikers, Lady Realtors wagi

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Blaze Spikers, Lady Realtors wagi
Lady Realtors

MANILA, Philippines — Hindi na napigilan ang nagdedepensang Petron at Sta. Lucia sa pagpoposte ng kani-kanilang ikalawang su­nod na arangkada.

Pinatumba ng Blaze Spikers ang Chery Tiggo Cross­overs, 25-17, 25-22, 25-21, at giniba ng Lady Realtors ang Marinerang Pilipina Lady Skippers, 25-19, 21-25, 30-28, 25-20, sa 2020 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kapwa itinala ng Petron at Sta. Lucia ang kani-ka­nilang 2-0 kartada sa torneo.

Pinamunuan ni American import Khat Bell ang Blaze Spikers mula sa kanyang 21 points sa likod ng 20 attacks at isang block.

Nakahugot ng suporta si Bell kina national team members Ces Molina at Aiza Maizo-Pontillas na nagbigay ng 16 at 9 markers, ayon sa pagkakasunod.

Humataw naman para sa Sta. Lucia si veteran Honey Royse Tubino na tumipa ng 24 points mula sa 22 attacks at 2 aces.

Nalasap ng Crossovers ang unang kabiguan sa da­lawang laro, samantalang nahulog naman sa 0-2 ang kartada ng Lady Skippers.

vuukle comment

BLAZE SPIKERS

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with