^

PSN Palaro

Pinoy Cuppers dapa sa Tsitsipas brothers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, yumuko si AJ Lim ng Pilipinas kay world no. 6 ran­king Stefanos Tsitsipas ng Greece, 6-2, 6-1, kahapon sa unang singles match ng Davis Cup World Group II playoff tie sa Philippine Columbian Association Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.

Binitiwan ng 6’4 na si Tsitsipas ang malalakas na crisp backhand at forehand para sa magaang na panalo laban sa 5’7 na si Lim na umabot lamang sa loob ng 53 minuto.

Ngunit, inamin naman ni Tsitsipas na hindi rin na­ging madali ang kanyang panalo dahil sa adjusments na kanyang ginawa bu­nga ng mainit na panahon  upang iangat agad ang koponan ng Greece sa 1-0 bentahe.

“I had a difficult time adjusting to the court it felt like a sauna here. It’s hot, but I still found ways to adjust,” sabi ni Tsitsipas.

Sa panig naman ni Lim, parang na star-struck siya sa laro na ipinakita ng kalaban na tinalo na rin niya sa junior’s doubles match noong 2015.

“Unreal,” ayon kay Lim sa laro ni Tsitsipas.

Samantala, tinalo naman ni Petros Tsitsipas si Philippine No. 1 player Jeson Patrombon, 6-2, 6-1, sa ikalawang singles match para ibigay sa Greece ang 2-0 kalamangan.

vuukle comment

AJ LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with