^

PSN Palaro

Merry Christmas

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Maligayang Pasko ang tatamasain ng mga atletang nanalo ng medals sa SEA Games.

Namudmod ng pera si Presidente Duterte sa Malacañang last week para sa mga nakasungkit ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals.

Kada gold, nagbigay si Digong ng P250,000, silver P150,000 at bronze P100,000. Iba pa yan sa bigay ng Philippine Sports Commission na P300,000 sa gold, P150,000 sa silver at P60,000 sa bronze. Meron din ang Philippine Olympic Committee na P200,000 kada gold.

Kulang na lang ang balbas at pulang costume eh Santa Claus ang ating mahal na Pangulo.

Si Caloy Yulo, ang 19-year-old na gymnast mula sa Le­veriza sa Manila, ang na­mayagpag. Nanalo ka­si siya ng dalawang gold at limang silver.

Mahina ako sa math. Ka­ya kayo na lang ang mag­kwenta. Easily lampas P3 million ang naku­ha niya.

Pati ang mga c­oaches, meron din. Katumbas sa 50 percent ng para sa at­leta ang nakuha nila.

May nakasalubong akong boxing coach nung isang gabi. Nanalo kasi ang mga boxers natin ng pi­tong gold, tatlong silver at dalawang bronze.

Very happy si coach. Ti­nanong ko kung magka­no ang natanggap niya.

Mahina raw siya sa math.

vuukle comment

MERRY CHRISTMAS

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with