^

PSN Palaro

Orcollo, Aranas nanganganib

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak sa losers’ bracket sina Dennis Orcollo at James Aranas matapos magtamo ng unang kabiguan sa 2019 International 9-Ball Open na ginaganap sa Sheraton Norfolk Waterside Hotel sa Norfolk, Virginia sa Amerika.

Bigo ang dating world champion na si Orcollo na maipagpatuloy ang magandang ratsada nito matapos uma­ni ng 7-11 desisyon kay Maximillian Lechner ng Austria sa fifth round habang hindi rin nakaporma si Ara­nas kay Alex Kazakis ng Greece para anihin ang 6-11 iskor sa fourth round.

Nakabalik sa porma si Aranas sa losers’ bracket nang isa-isa nitong patalsikin sina Chang Yu Lung ng Chinese-Taipei (11-6) at John Morra ng Canada (11-10) para buhayin ang kaniyang pag-asa.

Ngunit maghaharap sina Orcollo at Aranas sa do-or-die game para sa karapatang umusad sa susunod na yugto ng torneong may nakalaang $30,000 sa magkakampeon at $22,000 sa runner-up.

Nakakuha si Orcollo ng bye sa losers’ bracket.

Buhay pa rin ang pag-asa ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan na kumana ng dalawang sunod na panalo para manatili sa kontensyon sa losers’ column.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

JAMES ARANAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with