^

PSN Palaro

Sumisip-St. Clare astig

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sumisip-St. Clare astig

Kampeon sa Foundation Cup

MANILA, Philippines — Kumapit ng husto ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa huling sandali ng laro upang pigilan ang Marinerong Pilipino, 63-60 at matamis na angkinin ang kampeonato ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Bida si Jhaps Bautista na tumipa ng 18 puntos kabilang ang krusyal na split sa huling 1.5 segundo ng laban para pamunuan ang Saints na angkinin ang unang titulo sa liga.

Humatak din si Bautista ng walong rebounds.

Naramdaman din si Leo Gabo na naglista ng 12 puntos, pitong assists at limang rebounds habang nagdagdag naman si Alfred Batino ng 11 markers, pitong boards at tatlong dimes para sa BRT Su­misip-St. Clare.

Si Gabo ang pumukol ng umaatikabong tres sa huling 3:21 ng laban para i-angat ang Saints sa 59-57 bentahe.

“Di bumitaw ang mga bata even after we lost Game One by a big margin. Yun ang reward para sa amin,” ani Saints head coach Stevenson Tiu.

Tinuldukan ni Tiu ang pagkauhaw sa titulo matapos mabigong bigyang ng korona ang Che’Lu Bar and Grill sa nakalipas na kumperensiya.

“Yun ang wish ko for how many years sa D-League. Palagi akong second place but this one, yun ang difference dahil ngayon puro young ones na. Maybe it’s destined for me,” ani Tiu.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with