^

PSN Palaro

Swimming Pinas tututukan ang programa para sa national team

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na kampanya sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City, sesentro na ang atensiyon ng Philippine Swimming League-Swimming Pinas sa international competitions.

Kapos sa pondo ang PSL-Swimming Pinas ngunit nagtutulung-tulong ang buong komunidad upang maipadala sa iba’t bang bansa ang mahuhusay na swimmers nito.

 “Our mission is to give our elite swimmers a chance to reach their full potential through proper training and guidance. Of course we need resources, but right now, nagtutulong-tulong kaming mga parents para sa kanilang mga needs,” ani Swimming Pinas team manager Joan Mojdeh.

Ilan sa mga tinututukan ng PSL-Swimming Pinas tankers ang isasagawang tryout para sa national team na bubuuin para sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Malaki po ang potential ng aming mga swimmers na makasama sa National Team in the future, hopefully makalangoy sila this coming SEA Games in December,” dagdag ni Mojdeh sa pagbisita nito sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Kasama ni Mojdeh sina Marc Bryan Dula at Micaela Jasmine Mojdeh na humakot ng gintong medalya sa Palarong Pambansa.

Umani si Dula ng tatlong ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa boys’ elementary division habang nakasungkit si Mojdeh ng tatlong ginto at isang pilak tampok ang dalawang bagong Philippine junior record sa kabila ng pagiging first-year participant sa girls’ secondary class kabilang ang dalawang Philippine national junior record.

2019 PALARONG PAMBANSA

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE-SWIMMING PINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with