^

PSN Palaro

32 records nabura sa 2019 Palarong Pambansa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines — Kabuuang 32 records ang nasira sa tatlong sports events sa opisyal na pagtatapos ng 2019 Palarong Pambansa kahapon dito.

Sa naturang bilang ay 18 ang nabasag sa swimming pool  habang 10 ang nabasura sa athletics at apat ang nasira sa archery competition ng taunang sports meet na nilahukan ng 17 rehiyon.

Noong 2018 Palarong Pambansa na idinaos sa Vigan, Ilocos Sur ay kabuuang 40 records ang nasira kung saan ang 19 dito ay naiposte sa swimming, 16 sa athletics at lima sa archery.

Iyon ang pinakamaraming marka na nabasag sa kasaysayan ng Palarong Pambansa.

Sa Antique noong 2017 ay 21 bagong records naman ang naiposte.

Limang bagong marka ang inilista ni National Capital Region swimmer Xiandi Chua ngayong 2019 sa kanyang mga nilangoy na 200-meter freestyle (2:09.05), 400m freestyle relay (4:05.19), 200m breaststroke (2:43.08), 200m individual medley (2:23.86) at 400m medley (4:32.49).

Kumolekta ang mga NCR bets ng 83 gold, 70 silver at 54 bronze medals para sa kanilang pang-15 sunod na overall championship matapos humakot ng 100 golds, 70 silvers at 50 bronzes sa Davao.

Samantala, nanatili sa No. 2 sa medal standings ang Region IV-A sa kanilang kinolektang 63 golds, 48 silvers at 70 bronzes kasunod ang Region VI.

2019 PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with