4 gold sa Region 3 gymnast
DAVAO CITY , Philippines — Umabot na sa 15 ang record na nababasag habang apat na gintong medalya ang inangkin ng isang gymnast ng Region III sa 2019 Palarong Pambansa dito kahapon.
Ang huling dalawang bagong marka ay itinala ni swimmer Xiandi Chua ng National Capital Region mula sa secondary girls’ 200-meter breaststroke (2:43.08) at sa 200m Individual Medley (2:23.86).
Ang iba pang swimmers na naglista ng mga bagong record ay sina Micaela Jasmine Mojdeh ng NCR sa secondary girls’ 200m butterfly (2:22.69), Alexi Kouzenye Cabayaran ng Region VI sa elementary girls’ 200m freestyle (2:15.76), Jordan Ken Lobos ng Region IV-A sa secondary boys’ 200m breaststroke (2:26.77), Philip Joaquin Santos ng NCR sa secondary boys’ IM (2:12.58) at ang Region III sa 200m medley relay.
Apat na ginto naman ang inangkin ni Gail Santos ng Region III mula sa floor exercise (18.950), beam (19.050), vault (19.300) at individual all-around (75.800) ng elementary girls’ artistic gymnastics.
Nagtala naman ng mga bagong marka sa athletics sina Kent Brian Celeste ng Region I sa secondary boys;’ high jump (2.02m), Jerry Vasquez ng Region III sa secondary boys’ 3,000m steeple chase (9:35.20), Jasmin Bombita ng Region V sa secondary girls’ triple jump (12.46m) at Jamela De Asis ng Region VI sa secondary girls’ shot put (12.3m).
- Latest

























