^

PSN Palaro

Big City athletes paborito uli sa Palaro

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines — Muling inaasahan ang pagdomina ng National Capital Region sa 2019 Palarong Pambansa na opisyal na bubuksan ngayong hapon dito.

Noong nakaraang edis­yon ng taunang sports meet ay humakot ang mga Big City athletes ng kabuuang 100 gold, 70 silver at 50 bronze medals para hirangin bilang overall champion sa ika-14 sunod na taon.

Nasa ilalim ng NCR ang Calabarzon (55 golds, 50 silvers at 73 bronzes) kasunod ang Western Visayas (46-45-55), Central Visayas (26-25-36) at CAR (25-22-23).

Samantala, makulay na opening ceremony ang matutunghayan para sa pagsisimula ng 2019 Pa­larong Pambansa.

Ang annual sports  event ay may temang “Shaping the Future Through Sports” at inaasahang dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang keynote speaker.

Una at huling hi­na­wa­kan ng Davao City ang Pa­larong Pambansa noong 1950 kung saan kilala pa ito bilang Bureau of Public Schools Interscholastic Athletics Association Games (BPISAA).

Tiniyak ni Davao City Sports Division head Mikey Aportadera ang matagumpay na panga­ngasiwa ng probinsya sa naturang sports event.

vuukle comment

2019 PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with