^

PSN Palaro

Blaze Spikers swak sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blaze Spikers swak sa semis
Nag-dive si Aiza Maizo Pontillas ng Petron para makuha ang bola sa aksyong ito sa PSL Grand Prix.
Joey Mendoza

Laro sa Martes (The Arena)

4pm PLDT vs Generika

6pm Cignal vs UVC

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang nag­dedepensang Petron makaraang patalsikin nito ang Sta. Lucia Realty sa bendisyon ng 25-17, 25-11, 25-18 demolisyon para hablutin ang unang tiket sa Final Four ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Patuloy ang mabangis na laro nina American reinforcements Katherine Bell at Stephanie Niemer nang banderahan ng dalawa ang atake at depensa ng Blaze Spikers na sumulong sa impresibong 15-0 rekord.

Kumana si Bell ng 19 puntos habang nagpako si Niemer ng 16 puntos galing sa 14 attacks, isang block at isang ace sa larong tumagal lamang ng isang oras at anim na minuto.

“A win is a win and we like winning so it’s good, I don’t think it was our clea­nest match but we will take it. We got some stuff to work on to improve from this match. Our passing struggled a little bit, we’re more crisped that that normally,” ani Niemer.

Inilabas ng Blaze Spi­kers ang bangis nito sa attack line matapos maglista ng 46 kills laban sa 20 lamang ng Lady Realtors.

Mas marami rin ang aces ng Petron - anim - kumpara sa tatlo lamang ng Sta. Lucia. Parehong may limang blocks ang Blaze Spikers at Lady Realtors.

Tanging si American wing spiker Caset Schoenlein lamang ang nagsumite ng double digits para sa Lady Realtors matapos makapaglista ng 11 hits mula sa siyam na attacks at dalawang blocks.

Makakasagupa ng Petron ang magwawagi sa pagitan ng Cignal at United Volleyball Club na magtutuos sa hiwalay na quarterfinal game sa Martes. 

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with