^

PSN Palaro

Cignal iiwas sa kumplikadong sitwasyon vs F2 Logistics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cignal iiwas sa kumplikadong sitwasyon vs F2 Logistics
Nakatakda ang salpukan ng HD Spikers at Cargo Movers sa alas-4:15 matapos ang bakbakan ng United VC at Sta. Lucia Realty sa alas-2.
Jun Mendoza

Laro Ngayon (The Arena)

2 p.m. Sta. Lucia vs UVC

4:15 p.m. Cignal vs F2 Logistics

7 p.m. Generika-Ayala vs Foton

MANILA, Philippines — Target ng Cignal na masiguro ang twice-to-beat card sa quarterfinals sa pagharap nito sa F2 Logistics ngayong hapon sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang salpukan ng HD Spikers at Cargo Movers sa alas-4:15 matapos ang bakbakan ng United VC at Sta. Lucia Realty sa alas-2.

Lalarga rin ang paluan ng Generika-Ayala at Foton sa alas-7 ng gabi.

Sigurado na ang Petron (14-0), F2 Logistics (10-3) at PLDT Home Fibr (8-6) sa twice-to-beat kaya naman gitgitan ang labanan para sa huling insentibo sa quarterfinals sa pagitan ng Cignal (7-6) at United VC (6-7).

Kung mananalo ang HD Spikers sa Cargo Movers, pormal na nitong makukuha ang twice-to-beat anuman ang maging resulta ng laban ng United VC at Lady Realtors.

Ngunit kung matalo ang Cignal at manalo ang United VC, masisiguro ng United VC ang twice-to-beat card.

Inaasahang ibubuhos na ng HD Spikers ang buong puwersa nito upang makaiwas sa mas kumplikadong sitwasyon sa quarterfinals.

Kukuha ng lakas ang Cignal kina reinforcements Erica Wilson at Anastasia Artemeva kasama sina local aces Rachel Anne Daquis, Mylene Paat, Ranya Musa at playmaker Acy Masangkay.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with