^

PSN Palaro

Pocari binuhay ang tsansa sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Buhay pa ang Pocari-Air Force nang palubugin ang Iriga-Navy sa pama­ma­gitan ng straight-set win 25-23, 25-20, 25-20 para manatiling matibay ang tsansa sa Final Four race ng Premier Volleyball  League Season 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nasungkit ng Lady Warriors ang ikaanim na panalo para saluhan ang Tacloban Fighting Warays sa No. 5 spot hawak ang magkatulad na 6-7 baraha.

Magkakatuwang sina dating MVP Myla Pablo at middle hitters Del Palomata at Jeanette Panaga para buhatin ang kanilang tropa sa panalo.

Naglista si Pablo ng 11 hits habang nagtarak naman si Palomata ng 10 attack sa matikas na opensa ng Lady Warriors.

Nanguna naman si Pa­naga sa net defense ma­karaang magtala ng apat na blocks kasama pa ang tatlong attacks.

Ngunit nakasalalay ang kinabukasan ng Lady Warriors at Fighting Warays sa magiging resulta ng laro ng Petro Gazz at Adamson Uni­versity.

Kung mananalo ang Gazz Angels sa Lady Falcons ay awtomatiko nitong masusungkit ang huling ti­ket sa semis para samahan ang BanKo Perlas (10-3), Ateneo de Manila Uni­versity (10-4) at Creamline (9-3).

vuukle comment

POCARI-AIR FORCE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with