^

PSN Palaro

Sta. Lucia, UE-Cherrylume patatagan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Sta. Lucia, UE-Cherrylume patatagan
Kung magwagi ang Blaze Spikers laban sa Lady Fighting Maroons sa alas-4:15 ng hapon aakyat sila sa sosyohan sa liderato sa Pool A habang importante naman sa Sta. Lucia Lady Realtors at UE-Cherrylume ang manalo sa kanilang pagtatagpo sa alas-7 ng gabi para manatili ang pag-asang pumasok sa susunod na round.
https://www.facebook.com/stalucialadyrealtors

Laro Ngayon 

(FilOil Flying V Center)

2 p.m. PH team  vs Cocolife

4:15 p.m.  Petron  vs UP-UAI  

7 p.m. UE-Cherrylume  vs Sta. Lucia     

MANILA, Philippines — Hangad ng Petron Blaze ang ikalawang sunod na  panalo sa kanilang pakikipaglaban kontra sa University of the Philippines-UAI habang haharapin ng national women’s team ang Cocolife ngayon sa  pagpatuloy sa  2018  Philippine Superliga Invitational Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Kung magwagi ang Blaze Spikers laban sa Lady Fighting Maroons sa alas-4:15 ng hapon aakyat sila sa sosyohan sa liderato sa Pool A habang importante naman  sa Sta. Lucia Lady Realtors  at UE-Cherrylume ang manalo sa kanilang pagtatagpo sa alas-7 ng gabi para manatili ang pag-asang pumasok sa susunod na round.

Ito pa ang unang pagkakataon na magpapakita ng husay ang Philippine national  women’s team sa kanilang pagtatagpo laban sa Cocolife Asset Mana­gers sa non-bearing game sa alas-2 ng hapon.

Asahan na ang mainit na hatawan ng UE-Cherrylume at Sta. Lucia dahil ang sinumang mabigo sa dalawa ang malalagay sa komplikadong katayuan.

vuukle comment

PETRON BLAZE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with