^

PSN Palaro

Si Ancajas pa rin

Virgi T. Romano - Pilipino Star Ngayon
Si Ancajas pa rin
Iwinagayway ni world super flyweight king Jerwin Ancajas ang Philippine flag matapos talunin ang kababayang si Jonas Sultan via unanimous decision. hapon sa Fresno, California.

Wagi kay sultan via Ud

FRESNO, Ca. - - Na­panatili ni Jerwin Ancajas ang kanyang IBF superflyweight crown, matapos umiskor ng unanimous decision win laban kay Jonas Sultan sa Save Mart Center dito.

Ang iskor ng mga hurado: Jonathan Davis 119-109,  Zachery Young 119-109 at 117-111 mula kay Daniel Sandoval.

Bagama’t dinomina ni Ancajas ang kabuuan ng 12 rounds, malayo sa kanyang mga nakaraang laban ang ipinamalas kontra kay Sultan.

“Nagpapasalamat po talaga ako at nanalo ako,” sambit ni Ancajas na uma­ngat sa 30-1-1 (win-loss-draw, 20 KOs) ang rekord.

“Para sa akin magandang experience na nakalaban ako ng gaya ni Jonas, malakas sumuntok, may pusong Pinoy talaga at nagpasalamat din po ako sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng lakas at hindi ako nasira sa laro ni Jonas,” dagdag pa ni Ancajas.

Maging ang trainer/manager ni Ancajas na si Joven Jimenez na ba­gama’t nasiyahan sa pa­nalo ng alaga ay uma­ming kakaiba ang na­ging galaw at kundisyon ng kampeon.

“First round pa lang nakita ko na mabagal siya (Jerwin). Kaya tinipid ko ‘yung stamina niya, kasi pag napagod siya, delikado, lalo na sa style ni Sultan. Pero, nung 11 at 12 rounds, sinabi ko sa kanya ibuhos na para maging convincing ‘yung maging panalo niya,” esplika ni Jimenez.

Nasunod ang game plan ni Sultan (14-4 win-loss) na i-pressure si Ancajas, pero, paisa-isa lamang ang bitaw ng kanyang mga suntok na madalas ay wild punches na naiilagan ng kampeon.

Ito ang ikalimang title defense ni Ancajas sapul nang masikwat ang korona noong 2016.

Ito rin ang unang pagkakataon na muling nagkaharap sa world championship fight ang dalawang Pilipinong boksingero, makalipas ang mahabang 93 taon nang magsagupa sina Pancho Villa at Clever Sencio noong 1925 sa Manila.

Wala pang konkretong plano kung sino ang susunod na makakasagupa ni Ancajas sa Setyembre o Oktubre.

Related video:

vuukle comment

IBF SUPERFLYWEIGHT CROWN

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with