^

PSN Palaro

Kahit wala na ang 3 key players, La Salle target ang ‘four-peat’

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kahit wala na ang 3 key players, La Salle target ang �four-peat�
Hinirang si Dawn Macandili ng La Salle bilang Finals MVP.
Kuha ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Sa loob ng tatlong su­nod na taon ay walang ma­katibag sa De La Salle Uni­versity.

Nakumpleto na naman ng Lady Spikers ang ma­tamis na ‘three-peat’ nang patumbahin ang Far Eas­tern University Lady Ta­maraws sa bendisyon ng matamis na sweep sa UAAP Season 80 wo­men’s volleyballl best-of-three championship series.

Unang itinarak ng La Salle ang 29-27, 25-21, 25-22 panalo sa Game One noong Sabado na sinundan ng 26-24, 25-20, 26-24 demolisyon sa Game Two no­ong Miyerkules.

Ang solidong sistema at malalim na karanasan ang nagsilbing armas ng Lady Spikers para makamit ang tinatamasa nilang ta­­gumpay.

Sa eliminasyon pa lang ay dumaan na sa matin­ding pagsubok ang La Salle par­tikular na nang matalo sa Adamson University.

Tinukoy pa ni Lady Spi­kers mentor Ramil De Je­sus na “pam-barangay” lang ang laro ng kanyang ba­taan.

“Alam naman ng mga ba­­ta kung ano ang ibig sa­­­bihin ko doon, pinalaki lang ng iba. Hindi ko lang na­­gustuhan ‘yung performance nila. Pero nag-work naman,” ani De Jesus.

Ito ang nagsilbing wake-up para sa Lady Spikers lalo na sa mga graduating players na sina Kim Kianna Dy, Majoy Baron at Dawn Macandili.

Desidido ang La Salle na maipagpatuloy ang ka­nilang dominasyon sa susunod na season.

Ngunit muling masusu­bukan ang magic ni De Je­sus dahil mawawala na sa lineup sina Dy, Baron at Macandili na malaki ang naging parte para mapa­natili ang ka­nilang kampeo­nato.

Masuwerte ang Lady Spi­kers dahil maraming pu­­­wedeng pumuno sa ma­­­babakanteng puwesto ng tatlo.

Nariyan ang power-hitter na si May Luna na ma­aaring maglaro bilang open hitter o opposite spiker at na­­ramdaman na rin ang la­kas ni substitute middle blocker Norielle Ipac.

vuukle comment

DE LA SALLE UNI­VERSITY

LADY SPIKERS

UAAP SEASON 80

WO­MEN’S VOLLEYBALLL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with