^

PSN Palaro

TY Tang hahawakan ang Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinalaga ng College of St. Benilde si dating PBA player Tyrone Tang bilang bagong head coach ng kanilang seniors’ basketball team para sa susunod na edisyon ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Ito ang unang head coaching stint ng 32-anyos na si Tang na nagnanais madala ang Blazers sa Final Four matapos ang ilang ulit na pagkakabigong makabalik sa postseason.

Umaasa ang pamunuan ng St. Benilde na maibabahagi ni Tang ang kanyang winning experience sa paglalaro para sa Xavier School sa high school at sa De La Salle University sa University Athletic Association of the Philippines.

Naglaro rin si Tang sa Philippine Basketball League para sa Welcoat Paints at sa PBA ka­sama ang Rain or Shine.

Naging bahagi si Tang ng Green Archers na nagkampeon noong 2007 sa UAAP, habang natikman niya ang kampeonato sa PBA noong 2012 Governors’ Cup kasama ang Elasto Painters.

Nakapasok sa PBA si Tang matapos mapili bilang 12th pick overall ng Elasto Painters noong 2008 PBA Annual Rookie Draft.

Papalitan ni Tang si coach Gabby Velasco sa bench ng Blazers.

vuukle comment

TYRONE TANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with