^

PSN Palaro

Pustahan Na

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Heavy favorite ulit si Manny Pacquiao sa ikatlong laban niya kay Timothy Bradley.

Llamado.

Maagang lumabas ang odds o ang linya ng pusta­han para sa April 9 na sagupaan ng dalawang boxers sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa mga bookies sa America, -320 si Pacquiao at +240 si Bradley.

Ano ba ang ibig sabihin nito?

Sa -320 ang ibig sabihin ay kailangan mong tu­ma­ya ng $320 para lang manalo ng $100 kung kay Pacquiao ka.

At sa +240 naman, ang $100 mo ay tatama ng $240 kung kay Bradley ka.

Tayang mayaman ang kailangan dito kung Pacquiao ka. Dapat malaki ang itaya mo para naman maramdaman mo ang panalo.

Kung $300 lang ang itataya mo, itago mo na lang ang pera mo. Puwede ding humanap ka ng ibang pusta kagaya ng knockout o kaya naman ay draw.

Puwede ka ring pumi­li kung anong round ng knockout ang nakikita mo.

Dito malaki ang biga­yan. Kunwari tumaya ka na patutulugin ni Pacquiao si Bradley sa first round, mahina na ang pi­so mo tamang sinkwenta.

May pustahan din kung matatapos ang buong 12 rounds o hindi.

Dito madaming tu­ma­­ta­ya.

Nagbabago ang linya depende sa mga tayang papasok habang papalapit ang laban. Puwede pang lumaki ang odds pa­ra kay Pacquiao. Puwede ring dumikit si Bradley.

Online ang tayaan.

Ka­hit nasa Pilipinas ka, pu­wede kang tumaya kung may internet ka at cre­dit card. Madaming nag­papataya.

Nagkalat sa internet.

Habang palapit na ang laban, bukas na rin ang tayaan sa mga casi­no sa Las Vegas.

Dito bumubuhos ang taya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRADLEY

DITO

KUNG

LAS VEGAS

PACQUIAO

PUWEDE

SHY

TIMOTHY BRADLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with