^

PSN Palaro

PSL swimmers naghahanda na para sa 2 malaking torneo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Swimming League (PSL) ngayon pa lang dahil dalawang malalaking torneo ang lalahukan nito sa unang bahagi ng taon.

Magtatangkang humakot ng gintong medalya ang Pinoy tankers sa 2016 Tokyo Invitational Swimming Championship na gaganapin sa Pebrero 4 hanggang 10  sa Japan kung saan  mangunguna sa kampanya sina Swimmer of  the Year candidates Sean Terence Zamora at Micaela Jasmine Mojdeh.

“We were invited  to compete again in Japan dahil na-impress sila sa performance ng team noong November when we first joined. We’re happy dahil nakita nila na may potential ang mga bata,” wika ni PSL President Susan Papa.

“Right now, we’re monitoring them from time to time dahil malalakas ang mga makakalaban natin dito sa Japan. Gusto namin na magkaroon tayo ng magandang start para sa taong ito,” dagdag ni Papa.

Matapos ang Japan tournament, tutulak naman ang PSL team sa 2016 Indian Ocean All-Star Challenge na idaraos naman sa Perth, Australia sa Marso 23 hanggang 30. Pakay ng koponan na malampasan nito ang 41 golds, 13 silvers at walong bronzes na nakamit nito noong 2015 edisyon.

Ipagtatanggol ng 15-anyos na si Zamora ang kanyang walong titulo sa Australia.

Maliban sa dalawang international competitions, ipagpapatuloy ng PSL ang National Series sa iba’t ibang panig ng bansa sa layuning makatuklas ng mga bagong talento partikular na sa mga probinsya.

Ang PSL National Series rin ang magsisilbing quali­fying tournament para sa prestihiyosong Summer World University Games na gaganapin sa susunod na taon sa Taipei, Taiwan.

Sa huling bahagi ng taon, nakatakdang isumite ng PSL ang inisyal na lineup sa Federation of School Sports Association of the Philippines na siyang humahawak sa Pambansang delegasyon na ipadadala sa World University Games.

Magugunitang nagpadala ng 50 tankers ang PSL sa 2015 edisyon ng World University Games na ginanap sa Gwangju, South Korea.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FEDERATION OF SCHOOL SPORTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

INDIAN OCEAN ALL-STAR CHALLENGE

MICAELA JASMINE MOJDEH

NATIONAL SERIES

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

PRESIDENT SUSAN PAPA

PSL

SEAN TERENCE ZAMORA

WORLD UNIVERSITY GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with