^

PSN Palaro

So nakipaghatian ng puntos kay Howell

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nauwi sa draw ang laban nina Grandmaster (GM) Wesley So at GM David Howell ng England dahilan upang bumagsak sa ikatlong puwesto ang Pinoy bet sa pagpapatuloy ng 2015 Qatar Masters Open na ginaganap sa Aspire Zone sa Doha, Qatar.

Si So, na mayroon nang 2.5 puntos, ay nasa ilalim nina GM Anish Giri ng Netherlands at GM Li Chao ng China na magkasosyo sa liderato matapos itala ang kani-kanilang ikatlong sunod na panalo.

Ginapi ni Giri si GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland habang nanaig si Li kay GM Sethurman Panayappan Sethuraman ng India sa torneong may nakalaang $25,000 para sa magkakampeon at $15,000 para naman sa runner-up.

Kasama ni So sa ikatlong posisyon tangan ang parehong 2.5 puntos sina Howell, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, GM Alexandra Kosteniuk ng Russia, GM Yu Yangyi ng China, GM Dariusz Swiercz ng Poland, GM Maxim Matlakov ng Russia, GM Magnus Carlesn ng Norway, GM Jan-Krzysztof Duda ng Poland, GM Ni Hua ng China, GM Vladimir Akopian ng Armenia, GM Daniil Dubiv ng Russia, GM Surya Shekhar Ganguly ng India at GM Sanan Sjugirov ng Russia.

Makikipagtuos si So kay Akopian sa fourth round habang paglalabanan nina Li at Giri ang solong liderato sa hiwalay na bakbakan.

Maghaharap din sina Duda at Carlsen, Dubov at Mamedyarov, Ganguly at Yu, Ni at Sjugirov, Howell at Swiercz, at sina Kosteniuk at Matlakov.

vuukle comment

ALEXANDRA KOSTENIUK

ANISH GIRI

ASPIRE ZONE

DANIIL DUBIV

DARIUSZ SWIERCZ

DAVID HOWELL

GIRI

JAN-KRZYSZTOF DUDA

LI CHAO

MAGNUS CARLESN

MAXIM MATLAKOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with