Padyak Para Sa Kalikasan lalarga sa Pebrero 7
MANILA, Philippines – Para maipabatid sa mga tao ang malaking epekto ng climate change kasabay ng paghahanda rito ay inorganisa ni Mike Tampengco, ang presidente ng Philippine Collegiate Cycling, ang cycling event na “ PADYAK PARA SA KALIKASAN “ sa February 7, 2016 sa Gapan Nueva Ecija.
Bukod sa nasabing event, magkakaroon din ng category competition na Open-Team event, Master event, Amateur, Mountainbike, Executive, Women at National Collegiate.
Ayon kay Tampengco, ang Fun Bike event ay napapanahong proyekto para sa mahihilig magbisikleta na isinaalang-alang ang kanilang kalusugan.
Si Noel Vicencio, ang presidente ng Nueva Ecija cycling club, ang mangangasiwa sa event, na bahagi rin ng paghahanda para sa 2016 World University Cycling Championship sa Tagaytay City.
Sa mga interesado at gustong lumahok ay maaaring tawagan si Tampengco sa 0917 890 3240.
- Latest