^

PSN Palaro

Heavy Bombers lumapit sa playoff sa Final 4

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinapatan ni Bernabe Teodoro ang kanyang career-high na 32 puntos para ibigay sa Jose Rizal University Heavy Bombers ang ika-limang sunod na panalo kontra sa Lyceum Pirates, 64-55, sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Anim na 3-pointers ang kinamada ni Teodoro ­pero ang kanyang mahahala­gang puntos ay ang transition lay-up at dalawang free throws para palamigin ang pagdikit ng Pirates sa 60-55.

Ito na ang ika-11 panalo sa 17 laro para makasalo sa ikatlong puwesto ang Perpetual Help Altas na nadisgrasya ng San Sebastian Stags, 91-87.

Kailangan ng Heavy Bombers na manalo sa Stags sa Martes para ma­kahirit ng playoff sa semifinals.

Pinakamabangis si Teo­doro sa ikatlong yugto nang araruhin ang 12 puntos mula sa apat na tres.

Ang pangalawang triple sa yugto ang nagpatikim sa Heavy Bombers ng pinakamalaking kalamangan sa laro na 13 puntos, 42-29.

Nagsikap ang Pirates na bumangon ngunit kumulapso sa huli.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BERNABE TEODORO

HEAVY BOMBERS

ITO

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

KAILANGAN

LYCEUM PIRATES

PERPETUAL HELP ALTAS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN STAGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with