^

PSN Palaro

Grey MVP; slam dunk king naman si Bulawan West binawian ang East

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  San Beda vs EAC

4 p.m.  Letran vs SSC

 

MANILA, Philippines - Binawian ng West All Stars and East All Stars sa kapana-panabik na 89-88 come-from-behind panalo sa ikalawang edis­yon ng NCAA All Star Game kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Mark Cruz ay nagsalpak ng dalawang free throws ng wala ng oras sa laro para makumpleto ng West ang pagbangon mula sa pitong puntos na pagkakalubog (81-88).

Magkasunod na triples ang ginawa ni Jonathan Grey para idikit ang West sa 87-88 bago napuwersa si Arthur dela Cruz sa inbound error sa huling apat na segundo.

Kumaripas si Cruz at pumukol sa half court ngunit pinalad siya na napasabit si Jamil Ortuoste para mabigyan ng tatlong free throws.

Naipasok ng batikang manlalaro ng Letran ang unang dalawang free throws para sa panalo.

Nanguna si Grey sa West sa kanyang 20 puntos at siya ang kinilala bilang MVP ng laro.

Nauna rito ay kinilala si Cruz bilang 3-point king nang tinalo si Wilson Baltazar sa finals, 18-9.

Nanguna si Cruz sa elimination round sa 26 puntos habang si Baltazar ay mayroong 22. Ang da­ting kampeon na si Travis Jonson ay may 21 lamang para mahubad ang titulo.

Nakabawi naman si Jebb Bulawan ng Lyceum sa pagkatalo sa slam dunk noong nakaraang taon nang angkinin ang titulo sa perfect dunk sa dunk-off nila ni Yankie Haruna ng St. Benilde.

Tinalunan ni Bulawan sina Joseph Gabayni at Shaq Alanes tungo sa dalawang kamay na dunk para sa tatlong 10 score habang si Haruna na nanguna sa elims ay sumablay sa kanyang tatlong attempts para pumangalawa lamang.

vuukle comment

ACIRC

ALL STAR GAME

ANG

CRUZ

JAMIL ORTUOSTE

JEBB BULAWAN

JONATHAN GREY

JOSEPH GABAYNI

LETRAN

NANGUNA

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with